22 December, 2002
Ano Ang Gagawin Ko Sa Kanya Na Ang Pangalan Ay Si Jesu Kristo?
What am I going to do with Him whose name is Jesus Christ?
Luke 1.31- 35
….Do not be afraid Mary, for you have found favor with God.
And behold you will conceive in your womb and bear a son,
and you shall call His name JESUS,
He will be great and will be called the son of the Most High;
And the Lord God will give to him the throne of His father David,
and He will reign over the house of Jacob forever
and of His Kingdom there will be no end….
The Holy Spirit will come upon you,
And the power of the Most High
will overshadow you;
therefore the child to be born
will be called holy
the Son of God
Introduction: Mahalaga ang mga pangalan. Sabi nga ng isang aspiring na makata na….
Names are never to be sown like tares lest they lose their glitters like all of our cares.
Ang mga pangalan ay panga-alagaan, di yan dapat binibigkas ng walang pakundangan
upang ang mga ito pa ay may katuturan.
Madalas nagpapakita ng respeto at paghanga ang isang tao sa kanyang kapwa sa pamamagitan ng pagbigay sa kanyang anak ng pangalan na kagaya sa tao na kanyang hinahangaan.
Ang pangalan ni Jesus ay isang popular na pangalan noong kanyang panahon. Ang bigkas nito ay Y’shua or Joshua dahil maraming mga tao humahanga kay Joshua, ang lider na nanguna sa mga Hudyo sa Lupang Pangako. Ang pangalan na Oshea, Y’shua, Joshua o’ Jesus ay nangangahulugang salvation.
Pareho man ang pangalan ng maraming nagngangalan Y’shua ISA lang ang may pangalan Y’shua o’ Jesus na mula sa langit, hatid ng anghel, ang Panginoon Jesu Kristo lang.
Ngayong araw ang magandang itanong natin ay:
ANO ANG GAGAWIN KO SA KANYA NA ANG PANGALAN AY SI JESU KRISTO?
What am I going to do with Him whose name is Jesus Christ?
May iilan mga suhestiyon mula sa salita ng Diyos na nais kong makita natin dito:
1.Kilalanin natin siya bilang ating Tagapagligtas . The Lord wants us to recognize Him as the Savior.
“And you shall call his name Jesus (v.31)”. Kung tinawag ni Maria ang bata na mula sa kanyang sinapupunan na si Jesus, ito po ay nangangahulugan na siya ay kumilala na si Jesu Kristo ay ang Tagapagligtas.
Bago tayo maging malapit sa isang tao kailangang kilala muna natin ang tao na iyan. Ganoon rin sa Panginoon: kailangan na kilala natin Siya bago tayo maging mas malapit sa kanya.
Hindi sapat na kilalanin mo siya. Maraming mga tao ang kumilala kong kanikanino, kagaya kay GMA,maraming kumilala sa kanya bilang presidente, pero di pa rin siya tinatanggap.
2. Ang pangalawa ay tanggapin natin siya bilang Panginoon. Receive Him as your Lord. Kung kilala mo na si Jesu Kristo hindi sapat pa ang pagkilala sa kanya. Kailangan tanggapin mo Siya bilang personal na tagapagligtas mo.
“And you shall call His name Y’shua”(v.31) Bawat dalaga na Hudyo ay ninanais na maging ina ng Mesiyas.
Alam nila na ang Mesiyas ay di lamang ang political na lider na siyang magtagumpay kundi isang Tagapagligtas din mula sa kasalanan sa pamamagitan ng relasyon na ibibigay niya.
Bilang political leader sinabi ng (Num 24. 17-19)
“and there shall come a Star out of Jacob, and a Sceptre shall rise out of Israel”.
At bilang tagapagligtas mula sa mga kasalanan sinabi ng (Isa.53. 5), “but He was wounded for our transgressions, He was bruised for our iniquities: upon Him was the chastisement that made us whole, and with His stripes we are healed.”
Ang susunod ay review para sa atin na may relasyon na sa kanya:
A. Ikaw at ako at ako ay special sa Diyos. At kahit makasalanan pa tayong lahat, kahit noon pa, doon pa man sa sinapupunan ng ating mga ina ay tayo ay special na sa kanya.
Ps 51.5 “For I was born a sinner- yes from the moment my mother conceived me ”,
Rom.3.23 “ for all have sinned and all for short of God’s glorious standard.”
Kahit ganito pa tayo, ikaw at ako ay mahal niya pa rin.
B. Katunayan ng kanyang pagmamahal ay ang buhay niya na inalay Niya para sa atin. Sa Jn 3.16 sabi ni Jesus “Sapagkat ganun na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang ang sinuman ang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
Sa Rom 5.8 sabi rin diyan, “Datapuwat ipinagtagubilin ng Diyos ang kanyang pagibig sa atin na nang tayo’y mga makasalanan pa , si Kristo ay namatay dahil sa atin.”
Kahit may pagkawalay pa tayo sa Diyos, siya pa rin ang nagbigay ng kaisaisang paraan upang magkaroon tayo ng special na pagkilala sa kanya, special na relationship sa ating Diyos. Siya ang Paraan.
Sa Rom 6.23 “sapagkat ang bayad ng kasalanan ay kamatayan ngunit ang walang bayad na bigay ng Diyos ay ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Jesus na ating Diyos.”
C. Kailangan natin bayaran ang ating mga kasalanan. Ang masaklap ay di natin kayang bayaran ito. Sa grasya ng Diyos sa kanyangpangalan pa rin nakalaan ang kabarayan. Acts 4.12 “ at kanino mang iba ay walang kaligtasan sapagkat walang ibang pangalan sa silong ng langit , na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.”
D. Kailangan nating tanggapin siya ng personal, Jn 1.12 “Datapuwat ang lahat ng sa kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios samakatuwid baga’yang mga nagsisisampalataya sa kanyang pangalan. ”
Sabi niya rin sa Efeso 2.8-9 “For by grace are you saved through faith and not of yourselves, IT IS A GIFT OF GOD NOT OF WORKS LEST ANYONE SHOULD BOAST ABOUT IT.”
3. Mahalin natin siya na Siyang ating Diyos. We are called to love Him as our only God. Karapatdapat natin siyang mahalin. He is worthy of our love.
Bakit nga ba karapatdapat siyang mahalin?
Mula po sa vv.31- 35 makikita na Siya ay karapatdapat mahalin sapagkat:
a. Siya ang Diyos na may initiative.
(Matt 1.23) “behold a virgin shall conceive and bear a son, and His name shall be called Emmanuel.”
(Lk. 1.31) “, and you shall call His name Y’shua”
Emmanuel at Jesus , 2 Pangalan na nagpapahayag ng initiative ng Diyos. Siya ang nauna na umibig sa atin.
b. Siya ang Diyos na intimate.
Kasama sa pagkakaroon Niya ng self initiative Siya din ay intimate. “God with us “ ang is a sa mga tawag sa kanya. Y’shua Meshach Elohim Emmanuel. Jesus the Christ . the God, God who is with us.
c. Siya ang Diyos na infinite.
(v.33) “and He will reign over the house of Jacob forever; and of His Kingdom there will be no end.”
Kaya may kasegurohan tayo sa pag- ibig niya. ‘Di ito kumukupas
(Ngayong araw nais ko na magtapos ng isang hamon sa bawa’t isa sa atin:
1. Kilalanin mo si Jesu kristo. Siya lang ang kaisaisang tagapagligtas.
Jn 14.6 “I am the way the truth and the life, no man cometh unto the Father except by me. ”, “Ako ang daan, katotohanan at ang buhay, walang sinoman ang makakaparoon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.”
2. Tanggapin mo ang Panginoon Jesu Kristo. Sabihin mo , “ Panginoon ikaw lang ang tinatanggap ko bilang sariling tagapagligtas ko at wala ng iba Kasama rito ang paghingi mo ng kapatawaran sa Panginoong Jesu kristo. At sabihin mo na ikaw ay walang pag-asa sa gitna ng mga kasalanan mo.
3. Mahalin mo Siya . Sundin mo Siya. Sambahin mo Siya.
Saturday, June 6, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment