Saturday, July 11, 2009

NEW YEAR'S RESOLUTION 101

New Year Resolutions 101


1 Corinthians 6.12, 10.23
Romans 12.1-2

Magandang pagkakataon ang yearend upang pagbulaybulayan natin ang kabutihan ng Diyos.

Magandang pagkakataon din ito upang gumawa ng resolution
May mga tao na ayaw gumawa ng resolutions.
Di nila alam na sa pag-ayaw nila meron na silang ginawa na resolution.
AYAW NILA GUMAWA NG RESOLUTION.

Ang mga resolution ay gaya ng mga action plan.
Kung nais mong may matupad, dapat may plano, may lalakaran ka, may sketch ka na.
Ang mahirap lang kung marami tayong pagbabatayan sa ating lalakaran, sa ating mga resolution.

Itong mga pagbabatayan natin ay tawagin nating mga prinsipyo.
Iisa lang at ang tama lang dapat ang ating pagbabatayan sa ating mga resolutions. Maling prinsipyo, maling resolution, tamang prinsipyo, tamang resolution.

Ang mahalaga sa isang resolution ay ang prinsipyo sa likod nito.
Ito ang mahalaga, kung alam mo ang prinsipyo, di ka mahihirapan sa resolution na gagawin mo.

Ngayong araw ang tanong natin sa sarili ay,
“Ano ba ang mga prinsipyo na kakaloob sa lahat ng gagawin ko ngayong taon na darating?” What principles shall encapsulate all that I will do this year?

3 Prinsipyo Na Maging ugat ng lahat ng mga Resolution Ko

1. Para sa aking mga resolution, gagawa ako ng mga bagay na pawang nakakatulong lang. I will do only things that are helpful.1 Cor. 6.11-12. Sa v.11 sinabi ni Pablo sa atin na tayo ay nahugasan na, ang ibig sabihin nito ay we have been cleaned for a better purpose (v.12).

You were washed , you were sanctified, you were justified, You were set apart….Everything is permissible but not everything is beneficial
Ang meaning ng salitang beneficial ay helpful or nakakatulong. Paano kaya ako o” tayo makaiwas sa mga bagay na di nakakatulong?

Dapat tandaan natin na tayo ay mga haing buhay, sabi nga ni Pablo sa Rom 12.1. Pag-ikaw ay hain, wala kang ibang purpose sa buhay kundi ang purpose lang ng kung kanino ka inihain.

Reminders for those serious in becoming living sacrifices:

A. Living sacrifices are not supposed to have purposes in life other than the purpose of the One they have been offered to.

B. As sacrifices, living sacrifices are to be used only in worshipping Him.

Ito po ang ibig sabihin ng beneficial o’ helpful…. We might want to do what we want but because we are living sacrifices we can only do what He wants and that is to worship Him.

Naisin man natin na gumawa ng mga bagay na akala natin nakakabuti sa atin, Siya pa rin ang ating sundin kung ano ang bagay na nakakatulong sa luwalhati Niya.

2. Gagawa rin ako, para sa aking mga resolution ngayong taon na darating, ng mga bagay na nagpapahayag ng aking kalayaan kay Kristo Hesus. I will only do things that expresses my freedom as one that is freedom in Christ. v. 12 everything is permissible but not everything is beneficial,

There is so much to do , to read, to watch, to listen to, to observe even so much to eat, BUT TO ALL THESE I WILL NOT BE A SLAVE.

Sabi ni Pablo sa Rom 12.1-2, Do not be be conformed to this world. Huwag kang magpa-“mold” sa mundo. Ang hulmahan mo ay hindi na ang mundo kundi si Hesu Kristo.
True freedom is the ability to choose what the world does not choose. True freedom is to choose righteousness. Tingnan natin ang prinsipyo dito 1Cor.6. 12- 13

When my desires (i.e. desire to eat too much, desire to commit sexual immorality) would desire to rule, then I must remember that since I have a new Master who has given me freedom, even freedom to obey, then I must obey Him.





How will I be free from being a slave to sin daily?
Paano kaya ako makaiwas sa pagkaalipin sa mga kasalanan araw-araw?

a. Pakinggan mo at kausapin mo Siya araw-araw. Have a consistent devotional life.

b. Focus on the reality of His promises. Pagtuonang pansin ang katotohanan ng
kanyang mga pangako.



3. Panghuli para sa mga resolution ko, gagawa lang ako ng mga bagay na kapwa magpapalakas sa aking kapwa. Lastly, I will engage only in whatever will strengthen and build-up my brethren. 1 Cor 10.23- Everything is permissible but not everything is constructive. Nobody should seek his own good but the good of others.


Ano ba ang gagawin ko? SURRENDER YOUR WILL AND CHANGE IT FOR THAT GOOD, AND ACCEPTABLE, AND PERFECT WILL OF GOD.

Kung nais mo na maging instrumento sa pagpapalago ng mga kapatiran mo gawin mong kalooban ang kalooban ng Panginoon.

CONCLUSION:
May 2 tanong dapat itanong natin ngayong taon na ito.

Naisuko ko na ba ang buhay ko sa aking Diyos kasama na ang aking katawan, isipan, at ang aking kalooban?

Sa aking pagsuko, isinuko ko na ba rin ang lahat ng nais kong gawin na nakapagpaalipin sa akin o’ kaya nakakatisod ‘di lang sa mga kapatid ko pati na sa kapwa ko?

No comments:

Post a Comment